5 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

5 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

Lima ang sugatan mula sa karambola ng dalawang (2) AUV (Asian Utility Vehicle) at isang motorsiklo sa Malabon mga alas-10 gabi ng Miyerkules ayon sa driver ng AUV na may plakang NDO7384

Tinatahak niya umano ang kahabaan ng Maysilo, Malabon ng bigla siyang salpukin ng isa pang AUV na may plakang WLO523.

Sinamang-palad naman na madamay ang isang motorsiklo sa banggaan ng dalawang AUV. Isinugod kaagad ang rider sa pinaka malapit na pagamutan.

Anggulong “driving under the Influence (DUI)” ang nakikitang sanhi ng naturang insidente ayon sa traffic enforcer na imbestigador.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply