Maagang pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay sinasagawa na ng publiko

Maagang pagbisita sa mga yumaong mahal sa buhay sinasagawa na ng publiko

Nauna nang nag-anunsyo ang ilang local government units sa buong Metro Manila ng pagsasara ng ilang lokal at pribadong sementeryo sa darating na Undas dahil sa pag-iingat sa COVID-19.

Kaya’t ngayon pa lamang nagpupunta (gaya ng mga nasa larawan) na upang dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal na yumao bago pa man isara ang mga sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Itong linggo lamang inaprubahan ng Metro Manila Council ang resolusyon na naghihikayat sa local government units sa NCR na isara ang kanilang mga sementeryo sa Undas 2021.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply