PGH kinalampag ng healthcare workers, medical students

PGH kinalampag ng healthcare workers, medical students

Nagsagawa ng noise barrage ang mga healthcare worker at medical students sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) upang manawagan sa administrasyon at kay DOH Sec. Fransisco Duque III.
Anila, hindi pa rin nila natatanggap ang kanilang special risk allowance o benepisyo at active hazard duty pay sa gitna ng pandemya.
Kasabay nito ay nanawagan din ang healthcare workers sa administrasyong Duterte na dagdagan ang P10B 2022 budget ng mga pampublikong ospital at huwag bawasan para sa COVID-19 benefits nila.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply