Bahagi ng Duterte legacy caravan

Bahagi ng Duterte legacy caravan

DOLE MAAGANG INIHATID ANG PASKO SA 4 PROBINSIYA NG REGION 1

Si DOLE Sec. Bebot Bello sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga TUPAD beneficiaries ngPangasinan

Ni Arwen Pascua

MANILA — LABIS ang pasasalamat ng local executives at mga residente ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte sa Department of Labor and Employment (DOLE) na naging daan para matanggap ang maagang Pamasko, cash and in kind gift mula sa Duterte Administration.

Ang higit na nakinabang ay mga mangingisda na nabiyayaan ng banca para sa kanilang hanapbuhay, mga dating overseas Filipino workers, construction workers, small medium entrepreneurs (SMEs) at maging ang contract tracers na naging katuwang sa paglaban ng COVID-19 sa nabanggit na mga lalawigan.

Hindi naman kinaligtaan ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III at ng kaniyang delegasyon kabilang sina Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Sec. Isidro Lapena, OWWA Administrator Hans Cacdac, DOLE assistant secretaries at undersecretaries gaya nina DOLE Undersecretaries Renato Ebarle and Benjo Santos M. Benavidez. katuwang ang mga LGU gaya nina Pangasinan Amado Espino III, Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, kinatawan ng Philippine Constructors Association, DOLE R01 and staff, Pangasinan 4th District Cong. Christopher De Venecia, Dagupan City Mayor Marc Brian, La Union 2nd District Cong. Sandra Eriguel, Cong. Ilocos Sur Bonito Singson, Vigan City Mayor Chavit Singson, Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos-Araneta, Vice Gov. Cecilia Araneta-Marcos, Cong. Ria Farinas, Cong. Rudz Ceazar Farinas at Rodolfo Christian Farinas ang bahaginan din ng financial assistance ang mga sundalo at iba pang kawani ng pamahalaan.

Nabigyan din ng sertipikasyon ang mga kasalukuyang nag-aaral para maging bahagi ng Special Program for the Employment of Students (SPES) habang tampok din ng mala-Christmas gift giving ni Bello sa nabanggit na mga lalawigan ng nasabing rehiyon ang payout o turnover of checks sa mga benepisyaryo ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers).

Kabilang sa tinungo ni Bello at ng kaniyang delegasyon nitong Oktubre 15 ang Lingayen at Dagupan City, Pangasinan saka dumiretso sa San Fernando, La Union. Kinabukasan, Oktubre 16 ay itinuloy ang Duterte Legacy Caravan thru DOLE sa Vigan City, Ilocos Sur saka dumiretso sa Laog City at Currimao, Ilocos Norte.

Sinabi naman ni Bello sa Maharlika TV na hindi nagwawakas sa Region 1 ang kanilang paghahatid ng tulong sa mga worker sector kundi buong bansa ay kanilang tutunguhin at personal na iaabot ang tulong ng Duterte Administration.

“Ang perang ibinibigay namin ay hindi naman sa gobyerno kaya mahigpit ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipagamit sa inyo lalo na’t nasa pandemya pa tayo, sa inyo ang perang iyan kaya gamitin ninyo ng wasto,” bahagi ng talumpati ni Bello sa mga benepisyaryo ng programa ng pamahalaan. (ai/mtvn)

Leave a Reply