Lacuna, Servo naghatid-tulong sa 500 beneficiaries ng Delpan

Lacuna, Servo naghatid-tulong sa 500 beneficiaries ng Delpan

Isang relief mission ang dinaluhanni Vice Mayor Honey Lacuna kasama ang partner na si Congressman Yul Servo Nieto sa Binondo kaninang umaga upang maghatid ng tulong para sa mga humigit kumulang na 500 beneficiaries na nakatira sa Delpan, Road 10, at iyong transport group at vendors mula sa Divisoria.

Ang nasabing aktibidad ay sa pangunguna ng Philippine Fujian General Business Association, na pinamumunuan ni G. Andy Co.

“Umasa po kayo na hindi po kami mapapagod na maibsan ang hirap na ating dinaranas lalo na ngayong may pandemya. Kasama niyo kami ni Yul Servo Nieto na magmamalasakit at maglilingkod sa bawat pamilyang Manilenyo anumang panahon,” ani Lacuna.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply