REBEL RETURNEES SA CURRIMAO, ILOCOS NORTE NABIBIYAAN NG TUPAD CASH AID NG DOLE

REBEL RETURNEES SA CURRIMAO, ILOCOS NORTE NABIBIYAAN NG TUPAD CASH AID NG DOLE

Si DOLE Sec. Silvestre Bello kasama ang dalawang rebel-returnee TUPAD payout recipient

Ng Maharlika TV Team

MANILA — Nasa 50 dating rebelde na miyembro ng Indigenous Peoples ang nakinabang sa TUPAD Program (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ng Department of Labor and Employment sa pamumuno ni Secretary Silvestre “Bebot” Bello III kamakailan sa Ilocos Norte.

Sa ikalawang TUPAD Payout Caravan ni Sec. Bello kasama sina DOLE Undersecretaries Renato Ebarle at Benjo Santos Benavidez sa Currimao, Ilocos Norte ay namahagi sila ng tulong sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan.

Si DOLE Sec. Bebot Bello kausap ang isang babaeng rebel returnee

Layunin ng pamamahagi ng assistance ay upang may mapagkakikitaan sila lalo ngayong panahon ng pandemya.

Sa ulat nasa P1 milyong halaga ang ibinigay ng pamahalaan sa mga dating rebelde na nais mag-alaga ng farm animals bilang panimula sa kanilang hanapbuhay.

Bilin naman ni Sec. Bello sa nakatanggap ng cash aid na gamitin nang tama ang perang natanggap.

Paglilinaw din ng kalihim na pera ng taumbayan ang iniabot sa kanila at hindi mula sa gobyerno dahil bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagamit sa mamamayan ang kanilang pera para sa kabutihan. (ai/mtvn)

Leave a Reply