Labor chief Bebot Bello pinangunahan ang pamamahagi ng mga bisekleta sa Bikeccination Project sa Caloocan City

Labor chief Bebot Bello pinangunahan ang pamamahagi ng mga bisekleta sa Bikeccination Project sa Caloocan City

Pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III ang pamamahagi ng mga biskeleta sa ilalim ng Bikecination Project at paggawad ng DOLE Integrated Livelihood Project sa isandaang mga benepisyaryo sa Buena Park at Sports Complex, University Hills, Caloocan City ngayong araw ng Lunes (18 Oct 2021).

Dinesenyo ng labor department ang Bikeccination drive upang mahikayat ang publiko na magpabakuna. Ang mga manggagawang may kumpleto nang bakuna ay pinagkakalooban ng DOLE ng mga biskeleta na pwede nilang magamit sa karagdagang hanap-buhay gaya ng food delivery at iba pa.

Sa pamamagitan nito, maiibsan din diumano ng proyekto ang pagkalat ng Covid-19.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

                                                                                                  

Leave a Reply