Dangwa flower vendors umaaray sa tumal ng kanilang paninda

Dangwa flower vendors umaaray sa tumal ng kanilang paninda

Halos lahat ng mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa sa Sampaloc, Manila ay umaangal sa tumal at lugi sa kanilang panindang bulaklak bagama’t papalapit na ang panahon ng Undas.

Dahil sa pandemya ng Covid, ay halos wala diumanong bumibili sa kanila. Dagdag pa rito ay ang pagbabawal ng mga local government units ng pagdalaw sa mga sementeryo ngayong Undas.

Batay na rin sa suhestiyon ng Inter-AGency Task Force on Covid, pansamantalang sarado ang mga public at private cemeteries simula Oct 29 hanggang Nov 3 gaya ng North Cemetery at South Cemetery ng Maynila.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply