Jeepney drivers, mga mangingisda ng Malabon tumanggap ng TUPAD cash aid kay Sec. Bello

Jeepney drivers, mga mangingisda ng Malabon tumanggap ng TUPAD cash aid kay Sec. Bello

Mismong si Department of Labor and Employment Sec. Sylvestre “Bebot” Bello (kaliwa, featured image) ang siyang nanguna sa pamimigay ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) cash assistance ng DOLE at iba pang livelihood packages sa mga apektadong mga jeepney drivers at mga mangingisda sa Malabon City nitong Martes, 19 October 2021, sa gitna ng pandemya.

Umabot sa bilang na 570 active jeepney drivers at 150 na mga mangingisda ang nabigyan ng cash assistance ng kalihim. Maliban pa rito, nabigyan din ni Sec. Bello ang ilang miyembro ng LGBT ng mga bisekleta, android cell phones na may load na P5,000.at mga panghanap-buhay na food carts na kung tawagin ay “Nego-Cart” o negosyo carts. (ai/mtvn)

(Crismon Heramis/Val Leonardo/Alfred Patriarca/Jam Magdadaro /Benjamin Cuaresma)

Leave a Reply