Artificial dolomite beach sa Manila Bay mas maaga na binubuksan sa publiko

Artificial dolomite beach sa Manila Bay mas maaga na binubuksan sa publiko

Mula sa dating alas-8 ng umaga na pagbubukas, nagdesisyon ang pamunuan ng Manila Baywalk Dolomite Beach (MBDB) na buksan na ito ng mas maaga sa publiko. Ito’y bubuksan umano ng alas-alas-5:30 pa lamang ng umaga sa publiko dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga tao. Dumami ang mga namamasyal sa MBDB simula noong ibaba mula sa Alert Level 4 sa Alert Level 3 ang quarantine classification ng Metro Manila noong Sabado.
Hanggang alas-6 hapon ay nananatiling bukas ang MBDB mula Lunes hanggang Linggo ngunit mahigpit ang paalala ng mga otoridad na hindi papayagang makapasok ang mga alagang hayop, bawal magdala ng pagkain,  bottled water lamang ang maaaring dalhin sa loob.
Todo-bantay din ang pulisya sa lugar at ipinapaalala sa twi-twina ang health protocols kasama ang mga tauhan ng Manila Department of Public Sevice na nagpapanatili ng kalinisan. 
(Jhun Mabang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply