Dating mga rebelde pinagkalooban ng ayuda at trabaho ng DOLE

Dating mga rebelde pinagkalooban ng ayuda at trabaho ng DOLE

Si DOLE Sec. Silvestre Bello habang nagsasalita sa entablado

MANILA — Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment ng ayuda ang may 1,500 benipersaryo ng TUPAD program ng ahensya sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ay isang programa ng DOLE sa isang komunidad na naglalayong bigyan ang mga nawalan ng trabaho sa pandemya, mga underemployed at seasonal workers ng pansamantalang hanap-buhay mula 10 hanggang 30 araw depende sa uri ng trabaho.

DOLE Sec. Silvestre Bello

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang administrasyong Duterte ay kaisa ng DOLE sa programang ito para ipaabot ang tulong ng Pangulo sa mga kababayan nating kapos-palad gaya ng mga naligaw ng landas ngunit nagbalik loob sa batas ng pamahalaan.

Sa 1,500 na benipisyaryo, 500 dito ay pinagkalooban ng trabaho sa loob ng 10 araw kung saan kikita ang bawat isa ng P5,370 sa ilalim ng TUPAD program.

Si Sec. Bello kasama ang ilan pang mga government officials

Bukod sa trabaho, sinabi ni Sec. Bello na sa ulat sa kanya ni DOLE NCR Director Bambi Mirasol ay namigay din sila ng 20 na mga bisikleta na may kasamang bag na may lamang android cell phone at load na P5,000 na pwede gamitin panghanapbuhay.

Sinabi pa ng kalihim na tagubilin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pera na nasa gobyerno ay hindi pera ng kalihim kaya dapat lamang maibalik sa taong bayan.

Pakiusap naman ng kalihim na ingatan alagaan ang ayuda na ibinigay ng pamahalaan para maibsan kahit paano ang kahirapang dinaranas ngayon dulot ng pandemyang Covid-19.

Ayon sa mga balita, halos may 17,000 na ang bilang ng rebelde na ang nanumbalik na sa normal na komunidad.

Dumalo rin sa naturang okasyon sina vice presidential aspirant Sen. Bong Go, at si Department of Social Welfare and Development Sec. Rolando Bautista.

Nanumpa rin ng katapatan ang mga dating kasapi ng kilusan (mga rebelde) bilang bahagi ng kanilang responsibilidad sa pamahalaan.

Magbibigay din sa kanila ng pagsasanay pang-trabaho ang TESDA (Technical Education and Skills Development) para makahanap ng trabao ang dating mga rebelde. (Val Leonardo/Alfred Patriarca/Dindo Pingol/Jam Magdadaro)

(ai/mtvn)

Leave a Reply