TUPAD payout personal na ipinamahagi ni Sec Bello sa Pateros

TUPAD payout personal na ipinamahagi ni Sec Bello sa Pateros

Si DOLE Sec. Silvestre Bello

MANILA — Personal na ipinamahagi at iniabot ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) cash assistance payout sa mga benificiaries sa bayan ng Pateros.

Nasa ilalim ng nasabing programa sa Pateros ang paggawa ng mga personal protection equipment (PPEs) ng mga medical frontliner sa lokal na pamahalaan at ang pagpapaabot ng pangkabuhayan (livelihood program) sa mga Overseas Filipino Workers na pinangunahan ni Overseas Welfare Welfare Administration chief Atty. Hanz Leo Cacdac.

Ayon kay Sec. Bello ang programa at serbisyong TUPAD ay walang pinipili basta’t walang hanap-buhay makakasali at hangga’t may mga lugar o bayan na kailangan matulungan ay mag-iikot ang programa ng DOLE para pakinabangan ng mamamayan ang bigay ng gobyerno.

Sa bayan ng Pateros, umabot sa 350 benipersaryo ng serbisyong TUPAD ang nakinabang kung saan may mga magulang na maglilinis sa mga paaralan partikular na sa P. Manalo Elementary School, Sto. Rosario, at isa pang eskuwelahan kung saan dito nag-aaral ang kanilang mga anak.

Sila ay makakatanggap ng P5,370 na cash aid katumbas ng 10 araw na pagtatrabaho.

Bukod sa 350 na mga benificiaries, pinagakalooban din ni Sec. Bello ang mga LGBT, mga bingi at PWDs ng mga bisikleta na may bag at lamang android cellphone at P5,000 load.

Katuwang ng DOLE ang OWWA na nagbigay naman ng ayuda sa mga OFW na nawalan ng trabaho at sila’y binigyan din ng tulong pinansyal, pangkabuhayan at tig-limang bisikleta na may bag na may kasamang cellphone at P5,000 load gayundin ang mga guro sa nasabing mga paaralan na ipamimigay naman nila sa mga estudyanteng “poorest of the poor.”

Layunin ng TUPAD ang mapanatiling malinis ang mga paaralan upang mabigyan ng trabaho ang mga magulang at ang mga gadget upang ang mga mag-aaral ay mayroong magamit sa kanilang pag-aaral.

Bibigyan din ng TUPAD Identification Cards ang mga benepesaryo na siyang ipapakita nila sa mga remittance center para makuha nila ang kanilang sweldo.

Pinakiusapan din ng kalihim ang mga magulang na ‘yong mas malaking porsyento ng kanilang sweldo ay ilaan nila sa pag-aaral ng kanilang mga anak dahil layun din ng TUPAD ang matulungan ang sektor ng edukasyon. (ai/mtvn)

(Val Leonardo/Alfred Patriarca/Dindo Pingol/Jam Magdadaro)

Leave a Reply