1.6K+ beneficiaries tumanggap ng TUPAD cash aid ng DOLE sa San Mateo, Rizal

1.6K+ beneficiaries tumanggap ng TUPAD cash aid ng DOLE sa San Mateo, Rizal

Pinangunahan ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Sec. Silvestre ” Bebot ” Bello III at ni San Mateo Municipal Mayor Cristina C. Diaz ang pamamahagi ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) cash assistance sa may 1,648 manggagawang nawalan ng hanapbuhay sa naturang bayan dahil sa kasalukuyang pandemya.

Sa tulong na rin ng lokal na LGU, ay matagumpay na naipaabot ng DOLE at ng administraston ni Pangulong Duterte na maibahagi sa mga taga-San Mateo ang programang TUPAD na panghanapbuhay.

Maliban sa cash assistance, namigay din ang kalihim ng mga Negosyo Carts, bisekleta, cellphones na may load na P5,000 na magagamit sa panghanapbuhay. Pati na ang ilang miembro mula sa hanay ng mga LGBT ay nabiyayaan.

Pinangakuhan din ng butihing Secretary na bibigyan niya ng mga pangkabuhayang programa ang mga LGBT at scholarship sa mga kabataan.

(Benjamin Cuaresma/Crismon Heramis/Val Leonardo/Alfred Patriarca/Dindo Pingol/Jam Magdadaro/ai/mtvn)

Leave a Reply