Sariling narco detection dogs ide-deploy ng PNP-DEG

Sariling narco detection dogs ide-deploy ng PNP-DEG

MANILA — Inilunsad ngayong araw (Biyernes, 22 october 2021) ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group ang deployment ng sarili nilang Narcotics Detection Dogs (NDD)..

Isinagawa ang aktibidad sa Manila Habor Center kung saan nasa sampung K9 Dogs ang idedeploy kasama ang kanilang handler.

Partikular silang magbabantay sa mga malalaking Bus Terminal at Pier sa Region 1, 2, 3, 4-A, 5, Cordiller Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Ayon kay Col. Jean Fajardo ang Deputy Director for Operation ng PNP Drug Enforcement Group, ilang taon rin sinanay ang mga nasabing K9 dogs kasama ang kanilang handler na miyembro rin ng pulisya para masigurong magagawa nilang matukoy ang iligal ng mga kontrabando.

Aniya, bukod sa handler at K9 dogs..makakasama nila ang ilang imbestigador mula sa PNP Drug Enforcement Group.

Makakatuwang ng mga Narcotics Detection Dogs ang ilang mga PNP Regional Offices, Maritime Group, Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard.

Sinabi pa ng opisyal na sa pamamagitan ng Narcotics Detection Dogs (NDD) ay mapipigilan ang pagpasok ng iligal na droga na karaniwang pinapalusot sa mga pier, bus terminal at airport.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply