Dolomite beach dinagsa ng strollers madaling-araw pa lamang nitong Sabado

Dolomite beach dinagsa ng strollers madaling-araw pa lamang nitong Sabado

Madaling-araw pa lamang nitong Sabado (23 Oct 2021) ay muling dinagsa ng mga kabataang gustong matunghayan at makapaglakad-lakad sa dolomite beach na matatagpuan sa Baywalk sa Roxas Boulevard, Maynila.

Matapos itong buksan publiko noong nakaraang Sabado (16 Oct 2021), araw din kung kelan ibinaba ng health authorities and Alert Level ng Metro Manila sa No. 3,, ay naging pasyalan ng mga taga-Maynila at mga karatig-lugar ang artificial beach.

At dahil sa parating hitik ito sa tao, minabuti ng mga namamahala ng dolomite beach na gawing mas-maaga ang pagbubukas nito. Mula sa alas-8 ng umaga ay ginawa itong 5:30a.m.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply