INDAY SARA’S HUGPONG: BBM ANG ‘BEST BET MO’ SA PAGKA-PANGULO

INDAY SARA’S HUGPONG: BBM ANG ‘BEST BET MO’ SA PAGKA-PANGULO

Si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte habang nagbibigay ng kanyag pahayag online tungkol sa pagdalaw niya sa Cebu at pagkikita nila ni Presidential aspirant Bongbong Marcos

MANILA — Nagsalita na kahapon ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung sino ang kanyang susuportahan na kandidato sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Sa isang pahayag sa Cebu City, kanyang ipinahiwatig sa kanyang supporters at kaanib sa Partido Hugpong ng Pagbabago na si Bongbong Marcos ang “Best Bet Mo” sa darating na presidential election.

Inamin ng presidential daughter na nagkaroon sila ng paguusap ng nangungunang presidential contender na si BBM sa Cebu at binanggit nito sa kanyang panayam sa local reporters na makakaasa diumano si Marcos ng tulong sa kandidatura nito lalo na sa Davao Region.

“Nagkaroon kami (BBM) ng paguusap at we discussed the urgency how we, in Davao Region can help his (Marcos) bid for the presidency,” wika ni Sara Duterte.

Pinasalamatan din ni Sara Duterte ang mga Cebuano sa mainit nilang pagtanggap sa kanyang pagdalaw.

“I’m very happy, overjoyed sa mainit na pagtanggap sa akin ng mga Cebuano,” aniya.

Sa layo ng agwat ni BBM sa Publicus trial poll at Kalye Survey itinuturing na ngayo si BBM na ‘Best Bet’ sa pagka-pangulo sa 2022.

Sa PUBLiCUS’ Pahayag survey na inilunsad kamakailan, lumabas na napakalayo ng lamang ni BBM sa iba pang kandidato ng pagka-presidente dahil sa dami ng botanteng nagpakita ng kanilang pagpabor para sa kanya mula sa mga piling lugar ng mga botante.

Sa National Capital Region, si BBM ay nakakopo ng 40% sa mgaboto habang sa North at Central Luzon, nakakuha siya ng madagundong na 55.7%.

Sa South Luzon, maganda rin ang kanyang nakuha na nasa 38.2%, habang sa Visayas, nagrehistro siya ng 44.7%.

At ang pinakamalaki niyang nakuhang pagpapakita ng suporta sa mga tao ay sa Mindanao kung saan humugot siya ng mataas na 62.5% voter preference na resulta.

Nangangako ng isang mapagkasang uri na pamamahala sakaling manalo siya sa pag-pangulo, si BBM ay nagtamo ng mataas na presidential preference vote na 49.3% habang si Leni Robredo nagkaroon lamang ng 21.3%, si Isko Moreno, 8.8%; Ping Lacson, 2.9%; at Manny Pacquiao, 2.8%.

Dinomina rin ni Marcos ang Kalye Surveys na inilunsad ng iba’t-ibang vloggers sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila at mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon mula October 1 hanggang 11.

Sa loob ng 2,137 respondents, 1,307 ay nagpakita ng kanilang pagpabor kay Marcos habang si Moreno, na siyang pumangalawa, ay nakakuha lamang ng 345; si Robredo na siyang pumangatlo ay mayroon lamang 231.

Ang resulta ng iba pang presidential candidates ay narito: Pacquiao, 125; Lacson, 89; at Bato Dela Rosa, 23.

Leave a Reply