Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi personal na tinanggap ang TUPAD doleouts ng DOLE mula kay Sec. Bello

Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi personal na tinanggap ang TUPAD doleouts ng DOLE mula kay Sec. Bello

Si DOLE Sec. Silvestre Bello habang nagbibigay pahayag ng kahalagahan ng TUPAD program sa pagdalaw ng kagawaran sa Muntinlupa kamakalawa

MANILA — Personal na tinanggap ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang kaloob na mga ayuda mula kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III bilang bahagi ng tulong mula sa pamahalaang nasyunal sa mga disadvantaged at displaced workers ngayong pandemya sa pamamagitan ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program ng DOLE.

Pinasalamatan din ni Mayor Fresnedi si Sec. Bello dahil sa napakalaking tulong ng kagawaran sa kanyang mga kababayan partikular na ang 14 days na trabaho, mga bisekletang pangkabuhayan, at iba pang mga kagamitan.

Sinabi pa ng alkalde na sa ibinigay ng DOLE sa tatlo (3) konsehal ng lunsod na 20 piraso kada isa at 50 naman sa kanya ay tiniyak nito na sa tamang mga tao ito ng Muntinlupa mapupunta.

Bukod sa bigay ng DOLE sa 238 na benepersaryo ng TUPAD, nagbigay din ang kalihim ng mga kartila na may kasamang piko, pala at sumbrero, bisikleta, at bag na may lamang android cellphone na may load na P5,000 sa mga myembro ng LGBT at PWD para magamit nilang panimula sa maliit na negosyo.

Lubos naman ang pasasalamat ni Amy Bulos, isang solo parent, kay Sec Bello dahil isa siya sa napiling pagkakalooban ng ayuda at malaking kapakinabangan aniya para sa kanyang pamilya.

Ayon naman kay labor Sec Bello, ang bisekleta ay ibibigay sa 238 benificiaries at inaasahan ito na malaking pakinabang para sa kanila dahil hindi na sila sasakay sa jeepney at magagamit pa nila sa pagtitinda ang bisekleta para kumita naman diumano ang mga kapus-palad sa panahon ng pandemya..

Ang mensahe naman ni Pangulong Duterte na ipinarating ni Sec Bello ay ang ayudang TUPAD program ng pamahalaan ay pera diumano ng taumbayan kaya dapat lang aniya na ibalik ito sa taong-bayan lalo’t patuloy pa rin aniya ang pananalanta ng pandemya.(ai/mtvn)

(Benjamin Cuaresma/Cris Heramis III/Val Leonardo/Alfred Patriarca/Dindo Pingol/Jam Magdadaro)

Leave a Reply