Publicus trial poll at kalye survey results kinumpiramang si BBM ay ‘Best Bet ng Mamamayan’ sa ‘22 elections!

Publicus trial poll at kalye survey results kinumpiramang si BBM ay ‘Best Bet ng Mamamayan’ sa ‘22 elections!

Si dating senador at ngayo’y presidential aspirant Bongbong Marcos

MANILA — Ang sobrang laking lamang ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa 3rd Quarter survey na nilabas ng PUBLiCUS Asia nitong nakalipas na Biyernes 22 Oct 2021) ay patunay na tugma ang mga naging resulta ng sunod-sunod na Kalye Survey na inilunsad noong unang dalawang linggo ng buwan ng Oktubre.

“Both the scientific and real-time street surveys also confirmed that Bongbong is widely chosen by the respondents as their Best Bet for president in next year’s elections,” wika ng kampo ni BBM sa isang pahayag.

Sa madali’t salita, si BBM ay tunay na “Best Bet ng Mamamayan” sa pagka-pangulo.

Sa PUBLiCUS’ Pahayag survey, lumabas na napakalayo ng lamang ni BBM sa iba pang kandidato ng pagka-presidente dahil sa dami ng botanteng nagpakita ng kanilang pagpabor para sa kanya mula sa mga piling lugar ng mga botante.

Sa National Capital Region, si BBM ay nakakopo ng 40% sa mga boto habang sa North at Central Luzon, nakakuha siya ng madagundong na 55.7%.

Sa South Luzon, maganda rin ang kanyang nakuha na nasa 38.2%, habang sa Visayas, nagrehistro siya ng 44.7%.

At ang pinakamalaki niyang nakuhang pagpapakita ng suporta sa mga tao ay sa Mindanao kung saan humugot siya ng mataas na 62.5% voter preference na resulta.

Nangangako ng isang mapagkasang uri na pamamahala sakaling manalo siya sa pag-pangulo, si BBM ay nagtamo ng mataas na presidential preference vote na 49.3% habang si Leni Robredo nagkaroon lamang ng 21.3%, si Isko Moreno, 8.8%; Ping Lacson, 2.9%; at Manny Pacquiao, 2.8%.

Dinomina rin ni Marcos ang Kalye Surveys na inilunsad ng iba’t-ibang vloggers sa magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila at mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon mula October 1 hanggang 11.

Sa loob ng 2,137 respondents, 1,307 ay nagpakita ng kanilang pagpabor kay Marcos habang si Moreno, na siyang pumangalawa, ay nakakuha lamang ng 345; si Robredo na siyang pumangatlo ay mayroon lamang 231.

Ang resulta ng iba pang presidential candidates ay narito: Pacquiao, 125; Lacson, 89; at Bato Dela Rosa, 23.

Samantala, si Sara Duterte ay nakakuha ng 17 sa Kalye Surveys nunit hindi na siya kasali sa listahan ng Pahayag survey dahil nagdeklara na siya na hindi siya tatakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections at sa halip ay muli siyang tatakbo sa pagka-alkalde ng Davao City.

Base sa mga resulta ng Pahayag survey at Kalye Survey, na isang “real time, real man” street survey,lumalabas na pupwedeng maging isang runaway winner si Marcos sa pagka-pangulo kung sakaling ginanap o gaganapin ang eleksyon sa naturang survey dates. (ai/mtvn)

Leave a Reply