Negosyo, kabuhayan ng mga manggagawa muling sumigla sa Alert Level 3 — DOLE Sec. Bello

Negosyo, kabuhayan ng mga manggagawa muling sumigla sa Alert Level 3 — DOLE Sec. Bello

DOLE Sec. Silvestre Bello

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maganda ang naging resulta ng pagbaba ng Alert Level sa No. 3 sa National Capital Region at sa ibang lugar ng sa ilalim ng bagong Covid quarantine classification dahil sumigla ang kalakaran ng negosyo at muling dumami ang empleyo sa bansa.

Ayon kay Bello maraming mga manggagawa ang natengga, nawalan ng hanap-buhay dahil sa lockdown, marami ang nagsarang kompanya dahil apektado ng pandemya pero dahil sa ipinapairal na health protocol ng IATF ngayon bumabalik na ang sigla ng negosyo at unti-unti na rin nakakabalik ang mga manggagawa sa trabaho.

Inamin din ng kalihim na maraming mga employer ang nahihirapan sa pagbibigay ng 13th month pay para sa kanilang empleyado noong nakaraang taon hanggang sa ngayon ay hirap pa rin dahil mahina ang negosyo pero ayon kay Bello stationary obligation walang exemption ang mga employer kaya dapat bayaran o ibigay ito.

Payo ni Bello sa mga employer ay kausapin ang kanilang mga empleyado lalu na kung ang mga manggagawa nito ay unionized ay nakakaintindi naman ang mga ito sa kalakaran ng negosyo ngayon at kung makumbisi nila na i-postpone muna o kaya ay ibigay ng 2 beses ang 13th month pay kung saan wala naman aniyang lalabagin sa batas ang mga ito basta’t pumayag ang employees sa usapan.

Samantala, wala naman nakikitang rason si Sec. Bello kung bakit hindi papayagan ang mga malalaking kompanya na bumili ng sariling vaccine para sa kanilang mga empleyado.

Giit pa ng kalihim na hindi naman sinuspinde ang supply ng bakuna sa bansa kaya itoy isang magandang ideya. (ai/mtvn)

Leave a Reply