BBM: Ang ‘Best Bet Mo’ tungo sa moderno at makabagong ‘Pinas

BBM: Ang ‘Best Bet Mo’ tungo sa moderno at makabagong ‘Pinas

Si Bongbong Marcos (BBM)

ELECTION 2022

LAPU-LAPU CITY, Cebu – Habang abala ang ibang presidential aspirants sa pagbabatuhan ng mga negatibong akusasyon, pinatunayan ng dating mambabatas at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ang “Best Bet Mo” tungo sa isang moderno at makabagong bansang Pilipinas.

Simple lang anya and landasing ito tungo sa kanyang mithing makamit ng bansa ang isang progresibo at modernong Pilipinas sa pamamagitang ng ibayong imprastraktura na magtutulak upang ito’y maging pinakabagong logistics hub ng Asya.

Ang Pilipinas anya ay mayroong nang magandang angking geopolitical position sa buong Asia kung kaya’t kailangan na lamang aniya na i-upgrade ang mga nalulumang seaports, airports, at railway system pati na rin ang pagpapalawak pa ng mga ito.

“Our strategic location in the Pacific is an advantage that no other country has. It’s time for us to leverage this and aspire to become a major logistics hub in the region. To achieve this we will need to modernize our existing seaports, airports, and railways or build new ones where necessary,” wika ni Marcos na ngayo’y may karampatang lamang sa kanyang mga kalaban base sa mga pinakabagong surveys sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Bukod pa sa paga-upgrade ng mga nabanggit ng mga daungan, winika din ng Best Bet Mo (BBM) na kailangan din ng port automation, computerization, at Artificial Intelligence (AI) upang makamtan ang ibayo at epesyenteng serbisyo, at maiwasan ang pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa mga pantalan o daungan upang mapababa ang shipping costs at mapabilis ang proseso o mga transaksyon.

“We are already seeing changes in the spending habits of Filipinos with the rise of e-commerce platforms,” dagdag pa ni Marcos.

Sinabi pa nya na nararapat ma-develop ng bansa ang mga tinatawag na “smart ports” kung saan ginagamit ang shared data platforms, machine learning, at AI sa pagpaplano ng masusing port operations pati na ang vessel at truck traffic management, container stacking, storage, at transshipments.

“This is a trend that was accelerated by the pandemic and is only expected to grow in the years to come. We need to adapt technologies deployed in other ports such as in Europe and even from our ASEAN neighbor, Singapore, to develop our own Smart ports,” dagdag pa ni Marcos.

At sa kabila ng mga ito, dagdag naman na kita sa kaban ng gobyerno ang magiging kapalit.
“Global trade will recover soon, and we as a nation should make sure that we are in a better position to benefit from it,” sabi pa ni Marcos. (ai/mtvn)

Leave a Reply