MMDA chair Abalos nag-ikot sa mga sementeryo

MMDA chair Abalos nag-ikot sa mga sementeryo

Nag-inspeksyon sa loob at labas ng Manila North Cemetery sina Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, at P/Lt. Col. John Guiagui, hepe ng Manila Police District Station 3 kasama si Blumentritt Police Precint chief Lt. Ferdinand Cayabyab, upang matiyak ang seguridad ngayong darating na Undas sa naturang public cemetery.

Pinalalahanan nila ang publiko na huwag nang magdala pa ng anumang ipinagbabawal na bagay para maiwasang maabala sa pagbisita sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nahimlay sa sementeryo.

(Jhun Mabanag/BENJMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply