NPC-PNP sanib-pwersa sa madaling pagkuha ng lisensya sa baril

NPC-PNP sanib-pwersa sa madaling pagkuha ng lisensya sa baril

Nagsanib puwersa ang National Press Club at Philippine National Police upang matulungan ang mga kasapi nito na makakuha ng ng license to own and possess firearms (LTOPF).

Katuwang ng press club si PNP Chief Gen. Guillermo T Eleazar sa pagtulong sa mga kasapi ng media na mapadali ang pagkuha ng lisensiya sa baril bilang kalakip sa pagdiriwang ng NPC ng ika-69th anibersaryo nito. .

Bukod sa miyembro ng media, maaari ring mag-avail sa LTOPF caravan ang mga gun enthusiast, mga miyembro ng ibang organisasyon, mga opisyal at kawani sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang sa proseso ang pagsalang sa drug test, neuro test at kailangan din ang police clearance.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni NPC President Paul Gutierrez ang mga mamamahayag na mag-avail ng pinadaling LTOPF sa NPC office sa Intramuros malapit sa Central Post Office sa Lawton, Manila..

Ang LTOPF caravan ay bahagi ng isang buwang aktibidad ng NPC na nagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo na may temang “Strong and Resilient @69”.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply