OIL SMUGGLING, PAHIRAP SA MAMAMAYAN

OIL SMUGGLING, PAHIRAP SA MAMAMAYAN

Nakakapagtaka na wala ni isa man sa mga presidentiables ang may plataporma upang tuldukan ang mas malalang problema sa smuggling sa loob at labas ng Bureau of Customs partikular na ang langis at krudo.

May ibat-ibang istilo ang smuggling o tuwira’ng pandaraya ng mga importador nito at nagagawa nila ang pandaraya sa gobyerno bago pa man dumaong ang mga oil tankers sa mga oil depot na destinasyon nito.

Ang pinaka-garapal na gawain ng mga oil importers ay ang magdiskarga ng karga nilang langis sa laot na sinasalo ng mga oil barges o gabarana na tinatawag nilang “paihi” sa laot o sa mga tagong isla at direkta nilang idini-deliver sa mga customers nila.

Ang presyo ng mga pangunahing petrolyo na inaangkat natin sa ibang bansa ang nagdidikta sa halaga ng pasahe at presyo ng mga bilihin sa merkado na pinapasan ng mamamayan lalo na kung inuutang pa natin ang pambayad dito.

Panahon pa ni Pres. FERDINAND MARCOS nagkaroon ng mabisang gamit na Water Patrol Boats ang BUREAU of Customs sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner RAMON FAROLAN pero dahil sa poor maintenanceay nasira ito at hindi na pinalitan o bumili ng kapalit hanggang noong 1987.

Walang ginawang hakbang ang limang nagdaang administrasyon upang ma-modernize ang Water Patrol Division ng BOC sa pagbili ng magagamit na Water Patrol Boats at umaasa lamang sa tulong ng Philippine Coast Guards at PNP Maritime Command tuwing may special operations ang BOC at nito lamang 2021 sa ilalim ng Administrasyon ni Pres. DIGONG DUTERTE muling nakabili ng Water Patrol Boats ang BOC sa pamumuno ni BOC Commissioner REY LEONARDO GUERRERO.

Samakatuwid ay halos 30 taon pala tayong tila namamana sa dilim sa pagsugpo sa gas at oil smuggling?

May mga produktong petrolyo rin ang pumapasok sa bansa na diumano’y nakakalusot sa tamang pagbabayaran lalo’t binabago ang deklarasyon ng uri nito o misclasssified sa pagitan ng regular o espesyal na klase at kalidad ng mga petrolyong inaangkat natin. Posible ito lalo’t may sabwatan ‘di ba?

Ang importasyon ng mga pangunahing langis, krudo at gasolina ang pinagkukunan ng malaking bahagi ng buwis na nakokolekta ng BOC kaya dapat na talagang pag-ukulan ng pansin ng gobyerno natin ito dahil dito nakasandal ang karamihan sa industriya ng bansa mula sa kuryente, transportasyonat agrikulturakaya ito rin ang nagdidikta sa presyo ng pamasahe at pagkain.

Marapat lamang na bantayan ng BOC at Department of Finance ang Gas and Oil importations dahil dito nakakakolekta ng malaki ang mga ahensiya ng BOC at BIR na hindi bababa sa P131 bilyon excise tax bukod pa ang pinagsamang income tax, value added tax at documentary stamp na pangunahing pinagkukuhanan natin ng pambayad sa mga utang ng Pilipinas sa ibang bansa.

O baka mas malaki pa ang nakakalusot na hindi naipagbabayad ng buwis dahil sa smuggling.

Malay nga natin.

(ai/mtvn)

Leave a Reply