Dalaw sa ‘Libingan’ madalang dahil sa pandemya

Dalaw sa ‘Libingan’ madalang dahil sa pandemya

Nag-alay ng mga bulaklak nang bumibisita ang mga pamilya sa kani-kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nitong Huwebes (28 Oct 2021).

Kapansin-pansin na madalang ang mga dumadalaw sa naturang libingan dahil kotrolado ng lokal na pamahalan ang pagpasok sa mga sementeryo nitong kasagsagan ng pandemya.

Simula bukas (29 Oct 2021) hanggang November 2, ay ipinag-utos ng mga local government units at ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang “temporary closure” ng lahat ng pampubliko at pribadong mga sementeryo sa ikalawang sunod na pagkakataon upang maiwasan ang hawaan ng Covid-19.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply