PNP personnel inalerto sa 2 araw huling voter registration

PNP personnel inalerto sa 2 araw huling voter registration

Ni Arwen Pascua

MANILA — Bantay-sarado ang Philippine National Police (PNP) sa dalawang huling araw ng voter registration.

Matindi ang utos ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa kanyang mga tauhan na manatiling alerto lalo na’t inaasahan ang dagsang magpaparehistro sa iba’ ibang lugar para sa 2022 polls.

Apela ni Eleazar sa mga magpaparehistro, sumunod sa health protocols para narin sa kanilang kaligtasan.

Sinabi ni Eleazar na nais maiwasan ng PNP ang nangyaring pagkukumpulan ng mga magpaparehistro sa mga registration sites tulad ng nangyari noong orihinal na deadline noong Setyembre 30.

Pinalawig ng Comelec ng isang buwan ang pagpaparehistro kasunod ng apela ng maraming sektor.

Bukas, Oktubre 30 ang huling araw ng extension para sa pagpapa registro para sa Pambansa at lokal na halalan sa susunod na taon. (ai/mtvn)

Leave a Reply