BBM tunay na ‘Best Bet Mo’ sa pagkapangulo matapos muling manguna sa isa pang survey

BBM tunay na ‘Best Bet Mo’ sa pagkapangulo matapos muling manguna sa isa pang survey

‘Best Bet Mo’ Bongbong Marcos

MANILA — Muling pinatunayan ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na siya ang tinaguriang ‘Best Bet Mo’ ng masa sa pagkapangulo dahil muli itong nanguna sa isa pang noncommissioned presidential survey.

Ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer ay nilampaso ang mga katunggali niya sa karera ng pagkapangulo sa pinakabagong survey na nilunsad ng Issues and Advocacy Center or The Center.

Ginanap ito mula September 27 hanggang October 8 sa buong bansa sa may 2,400 na respondents kung saan si BBM ay nakakuha ng 23.5 percent na mga boto na pomapabor sa kanyan.

Si Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao ang pumangalawa tangay ang 19.75 percent habang si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso pumangatlo sa 18 percent.

Ang nagbagong kulay sa pulitika na si Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo ay nakakuha ng 14 percent, si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay may 12.50 percent, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa tumanggap ng 7.75 percent, si Ka Leodegario de Guzman ay humugot ng 3.25 percent, at si dating National Security Adviser Norberto Gonzales, 1.25 percent.

Itinuturing ng kampo ni Marcos na ang nakuha niyang approval rating ng 23.5 percent sa survey ng The Center na “very significant” para sa Partido Federal standard-bearer.

Sinabi naman ng research group na walang indibidwal o organisasyon ang makapagsasabing may kinalaman sila sa magandang resultang nakuha si Marcos kundi siya lamang.

Sinabi naman ni Marcos na ang matataaas niyang nakukuha niyang resulta sa mga survey ay dahil din sa malaking suporta ng partido at ng kanyang mga supporters.

Sa third-quarter survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc., si Marcos din ang siang lumabas ng ‘Best Bet Mo’ o numero uno sa karera ng pagkapanguluhan.

Sa mga ginagawang aktuwal na “Kalye (street) Surveys” ng mga vloggers, naipapakita rin na si BBM “consistently showed him as the top choice of the people,” sabi pa ng kampo ni Marcos.

“Nagpapasalamat ako sa lahat na nagsabing sila ay boboto sa akin (I thank those who said that they will vote for me),” wika ni Marcos sa isang official statement. (ai/mtvn)

Leave a Reply