Pichay pinapa-disqualify sa Comelec

Pichay pinapa-disqualify sa Comelec

Ipinapakita sa media ni Construction Worker’s Solidarity (CWS) party-list Representative Romeo Momo ang kanilang petisyon kung saan nakasaad na dapat na diumanong kanselahin ng Comelec ang certificate of candidacy o COC ni Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay

By Cris Heramis III & Alfred Patriarca

MANILA — Pinakakansela sa Commission on Elections ang muling pagtakbo ni Surigao Del Sur 1st District Representative Prospero Pichay, Jr. dahil sa kawalan na nito ng kuwalipikasyon para humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Sa petisyon ni Construction Worker’s Solidarity (CWS) party-list Representative Romeo Momo, dapat kanselahin na ng Comelec ang certificate of candidacy o COC ni Pichay.

Si CWS Rep. Romeo Momo habang nagpapaliwanag

Nilinaw ni Momo na pinagtibay na ng Court of Appeals noong 2013 ang desisyon ng Ombudsman na nagkasala si Pichay sa kasong grave misconduct na may parusang sa posisyon at habambuhay na diskuwalipikado o hindi na maaaring bumalik sa serbisyo o humawak ng anumang katungkulan sa gobyerno.

Batay pa sa petisyon ni Momo, sinadya ni Pichay na ideklara na eligible sa pagtakbo para sa public office at sumagot na ‘no’ para sa tanong kung siya ay “napatunayang nagkasala sa anumang krimen na may kaakibat na parusa na perpetual disqualification sa anumang posisyon na naging pinal at ipinatutupad?”

Ayon sa petisyon ni Momo, lantarang nagsinungaling si Pichay nang ideklara sa Comelec na siya ay kuwalipikado pa sa paglahok sa halalan.

Binasura rin ng Ombudsman ang mosyon ni Pichay na baligtarin nito ang pinataw sa kanyang guilty verdict sa kaso.

Ayon pa sa petisyon ni Momo, kasama si Pichay sa mga umano’y listahan ng perpetually disqualified na maupo sa public office o muling magserbisyo sa gobyerno. (AI/MTVN)

Leave a Reply