Halloween ‘trick or treat’ ikinasiya ng mga bata

Halloween ‘trick or treat’ ikinasiya ng mga bata

Nagsagawa ngayong Sabado (Oct 31, 2021) ng “Trick or Treat” ang mga residente ng Camella Verra, Barangay Bignay, Valenzuela City sa pangunguna ni Geralice Galang, Florencio Fernando at Roselito De Belen Cortez bilang paggunita sa tradisyon ng Halloween.

Inikot nila ang mga bahay na naka-abang ang mga batang may iba’t-ibang kasuotang kahindik-hindik upang magbigyan ng munting regalo tulad ng candy at mga laruan.

Ayon sa nagsagawa ng event, layunin nila na mabigyan ng kauting kaligayahan ang mga bata sa panahon ng pandemya.

(Val Leonardo/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply