Manila DRRMO tumulong sa pagrarasyon ng tubig sa Maynila

Manila DRRMO tumulong sa pagrarasyon ng tubig sa Maynila

Hindi nagpabaya ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office Patuloy sa pagtulong magrasyon ng tubig sa mga barangay na tinamaan ng water outage gawa ng service maintenance ng Maynilad.

Kaakibat sa naturang operasyon ang mga volunteer groups ng BMA Volunteer Fire Brigade at Manila Northwest Volunteer Fire Brigade Inc.

Ayon kay Maynilad Water Supply Operations chief Engr. Ronald Padua nasa 2.5 million or 421,000 water service connections (WSCs) ang apektado o nasa 420,000 na consumers sa Sampaloc, Manila walang suplay ng tubig ng mga tatlong araw na sunod.

Maliban sa Maynila, may nakatakda ring maintenance works ang mga lugar ng Las Pinas, Makati, Manila, Paranaque, Pasay, and several areas in Cavite, namely Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta, at Rosario.

Ayon pa kay Padua, hindi naman dapat na mabahala ang mga consumers dahil ang Maynilad ay patuloy na magdedeploy ng water tankers sa mga apektadong lugar.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply