2 snatcher arestado sa Maynila

2 snatcher arestado sa Maynila

Arestado ang dalawang suspect na sina Leonardo Bern Sotero Robin at John Clark Zodiacal Geronimo matapos makipaghabulan sa mga pulis ng sila ay masita sa isinagawang checkpoint ng MPD PS-3 sa tapat ng Manila North Cemetery, Blumentrit St. Sta Cruz, Manila kahapon.

Napag alamang kakahablot lang ng mga suspect sa bag ng isang babae matapos makita sa CCTV ang ginawa ng mga ito at ang gamit ng kanilang nabiktima. Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang mga suspect ng makuha pa sa mga ito ang di lisensyadong revolver na baril. (Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ mtvn)

Leave a Reply