Bello tiniyak sa 8,640 OFWs na naapektuhan ng economic crisis sa Middle East na makakakuha ng kanilang karampatang benepisyo

Bello tiniyak sa 8,640 OFWs na naapektuhan ng economic crisis sa Middle East na makakakuha ng kanilang karampatang benepisyo

DOLE Sec. Silvestre Bello

Nina Benjamin Cuaresma, Alfred Patriarca, at Jam Magdadaro

MANILA — Tiniyak ng Department of Labor and employment na makakakuha ng kanilang benipisyo ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate mula sa Middle East noong 2016 dahil naapektuhan ang kanilang trabaho bunsod na rin ng dumaang economic crises ng Saudi Arabia.

Ayon kay Lito Estrella, isa sa mga OFW na nakaranas ng pagka-layoff sa pinapasukang Saudi Oger Limited, umaasa umano sila na magkakaroon sila ng magandang pamasko base na rin sa gagawin nilang pakikipagpulong kay Sec Bello.

Dahil sa mga ginawang hakbang ni Sec. Bello, napaulat na pumapayag na ang Saudi Arabia na bayaran ang lahat ng mga naapektuhang OFW.

Una rito nabasa at narinig anila nito sa mga pahayagan at broadcast media na nagtungo sa Bansang Dubai ang kalihim at umaasa sila na napag-usapan at nagkaroon ng solusyon ang problema ng mga displaced OFW workers.

Matatandaan na nagtungo si Sec Bello sa Middle at naging positibo naman aniya ang pag-uusap nila sa presidente ng Saudi Government kaugnay sa pagbabayad ng mga hindi nabayarang displaced OFWs sa ilalim ng Kumpanyang Saudi Oger limited.

Nitong Martes, (02 Nov 2021), napaulat na pumapayag na ang Saudi Arabia na bayaran ang lahat ng mga naapektuhang OFW.

Aabot diumano sa halagang P4.6 bilyon ang lahat ng bayarin sa mga OFW. (ai/mtvn)

Leave a Reply