TUPAD beneficiaries ng Imus umabot sa 1,631

TUPAD beneficiaries ng Imus umabot sa 1,631

Ilan sa mga nakatanggap ng halagang P4,000 sa TUPAD payout ay lubos ang pasasalamat dahil anila malaking tulong para sa kanila ang programa ni Secretary Bello lalo sa panahon ng pandemiya kung saan maitatawid nila ang kanilang pangangailangan pinansiyal.

MANILA — Tinatayang ‘di kukulangin sa 1,631 na beneficiaries o kabuuang kantidad na P6,524.000 ang naipapamahagi ng programang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isinagawang payout sa Imus City, Cavite umaga ng Martes (02 November 2021).

Daan-daan na mga benipesaryo ang sumugod sa Barangay Buhay na Tubig sa Imus City Cavite sa isang simpleng programa kung saan pangunahing pandangal si DOLE Secretary Silvestre Bello III na sumaksi sa pamamahagi ng TUPAD pay-out at nag-award ng Safety Seal sa Buhay na Tubig Covered Court sa nasabing Lungsod.

Sa naturang bilang ng mga nabiyayaan, anim (6) na barangay ay nagmula sa Brgy Tanzang Luma, isa (1) sa Brgy Buhay na Tubig at apat (4) sa Brgy Palico at dalawa (2) dito ay mula sa sector ng LGBTQ habang lima (5) naman ay sa mga Persons with Disabilities (PWD).

Ilan sa mga nakatanggap ng halagang P4,000 ay lubos ang pasasalamat dahil anila malaking tulong para sa kanila ang programa ni Secretary Bello lalo sa panahon ng pandemiya kung saan maitatawid nila ang kanilang pangangailangan pinansiyal.

Sinabi rin ng mga beneficiaries na nakakasiguro din si Secretary Bello ng suporta mula sa kanila sa kanyang pag-takbo bilang Senador dahil para sa kanila, naniniwala sila na hindi lang ang nasabing programa kundi marami pang iba ang maaaring maipatupad ng Kalihim kung palaring maluklok ito sa mas mataas na posiyon sa pamahalaan.

Bukod sa TUPAD payout ng Kalihim, namahagi din ito ng dalawampung (20) na mga bisekleta sa 12 City Councilors at dalawang Board Members (BM) para magamit ng kanilang constituents.

Ang TUPAD program ay isang community-based package na ibinibigay na tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nawalan ng hanap-buhay, underemployed at seasonal workers sa panahon ng pandemiya. (ai/mtvn)

Leave a Reply