Wala akong kontrata sa gobyerno, fake news yan – Rose Lin

Wala akong kontrata sa gobyerno, fake news yan – Rose Lin

Fake news!

Ganito ang opisyal na pahayag ni Rose Lin, isang negosyanteng tatakbo
bilang kongresista ng ika-5 Distrito sa Quezon City matapos ikabit ang
Pharmally Biological sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na
sangkot sa multi-bilyong anomalya sa pagbili ng medical supply laban
sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Sa pahayag, sinabi ni Lin na walang katotohanan na sister company ng
Pharmally Biological ang Pharmally bpharceutixcal na nakakopo ng
bilyong halaga ng kontrata sa gobyerno.

“Nakarating po sa akin, sa pamamagitan ng aking mga tagasuporta, ang
malisyosong pagpapakalat ng mga akusasyon at maling impormasyon laban
sa inyong lingkod, sa kabila ng aking pagpupursiging maging maayos,
malinis, at marangal ang ating pangangampanya,” ayon kay Lin.

Pinabulaanan din ni Lin na pawang may koneksiyon siya sa Pharmally
Pharmaceutical na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee sa
multi-bilyon anomalya.

“Hindi rin po ako direktor, opisyal o shareholder po nito. Wala rin po
akong kontrata na pinasok sa gobynero para mag-supply ng PPE. Ako po
ay karaniwang mamamayan lamang. Lahat ng akusasyon sa akin at sa aking
pamilya ay puro haka-haka lamang,” aniya.

Sa kanyang pagharap sa ginanap na pagdinig ng Blue Ribbon, sinabi ni
Liln na sinusuportahan niya ang layunin ng komite upang lumabas ang
katotohanan at malinis ang pangalan ng kanyang pamilya na pilit
iniuugnay sa anomalya at droga.

“Full support po ako sa layunin ng Blue Ribbon Committee na
imbestigahan ang pag-gastos ng Gobyerno ng pondo sa laban sa COVID 19.
Ngunit may ilang sektor na ang layunin ay samantalahin ang pagdinig na
ito upang ako at ang aking pamilya ay siraan,” aniya.

Sinabi ni Lin na ilang araw nang lumalabas sa social media na
sinisiraan ang dangal nito at pamilya na pilit siyiang iniuugnay sa
korapsiyon ng Pharmally Phamaceutical na iniimbestigahan ng Senado.

“Lahat po ng mga akusasyon laban sa akin at sa aking pamilya ay haka
haka lamang,” patapos ng kandidato na may malinis na hangarin sa
paglilingkod sa mamamayan ng Quezon City.

Ayon kay Lin, wala itong ibang intensiyon sa pagtakbo sa ika-limang
distrito ng ating lungsod kundi makatulong sa mamamayan sa pamamagitan
ng malinis at marangal na paglilingkod.

“Tanging intensiyon ko lamang po ay makatulong sa mga taong nasa
sitwasyon ngayon na aking pinagmulan,” aniya.

Sinabi pa ni Lin na sa panahon ng pulitika, maraming maglalabasan na
pekeng balita o fake news upang siraan ang mabuting kandidato kabilang
ang paninira sa kanilang kalaban.

“Alam ko po na sa panahon ng pulitika, maraming akusasyon at
paninirang katulad nito ang darating pa. Ngunit, uulitin ko po, hindi
ako konektado sa Pharmally Pharmaceutical Corporation,” aniya.

“Wala po akong itinatago, kaya balik ako nang balik sa Senado upang
humarap sa Blue Ribbon at mapatunayan na wala akong kasalanan,”
patapos ni Lin.

Leave a Reply