Bello pinangunahan ang inagurasyon ng bagong OWWA office building sa lalawigan ng Pampanga

Bello pinangunahan ang inagurasyon ng bagong OWWA office building sa lalawigan ng Pampanga

Nina Benjamin Cuaresma at Val Leonardo

MANILA — Pinangunahan ang pagpapasinaya nitong Huwebes ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello II ng bago at kauna-unahang gusali ng Overseas Workers Welfare Administration sa San Fernando, Pampanga.

Maliban kay Sec. Bello, dumalo rin si OWWA administrator Atty. Leo Hanz Cacdac, Undersecretary Arnel Ignacio, Philippine Overseas Employment Administration administrator Bernard Olalia sa pasinaya ng bagong gusali ng OWWA-RWO3.

Layun ng OWWA building na mas mapalawak pa ang pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng one-stop-shop para sa mga OFW ng Pampanga na nangangailangan ng assistance partikular na sa repatriation, schoolarship ng mga anak, OFW burial, at iba pang social benefits.

Ayon kay Atty. Falcone Millar director ng OWWA-RWO3, ito ang kauna-unahang gusali ng OWWA na may LGBTI+ na rest room, may 1,500 floor area na pinunduhan ng 75 milyong piso at may solar panel power na makakatipid ng 48 metric power na pang back-up sa electricity ng building.

Sinabi naman ni Sec. Bello na lahat ng OFW na mare-repatriate mula sa ibang bansa ay pwedeng sa OWWA Building San Fernando pumunta at matulog sa nasabing tanggapan at i-aasist din sila ng mga empleyado.

Makakaasa rin aniya ang mga OFW na paiigtingin pa ng kagawaran ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa mabilis at maayos na trabaho sa pamamagitan ng OWWA sa ilalim ng DOLE. (AI/MTVN)

Leave a Reply