Cong Omar Fajardo sa mga taga D2 ng Rizal: ‘Sumunod pa rin po tayo sa health protocols kontra Covid’

Cong Omar Fajardo sa mga taga D2 ng Rizal: ‘Sumunod pa rin po tayo sa health protocols kontra Covid’

Si Cong Omar Fajardo habang siya ay iniinterview ng media noong siya ay mag-file ng kanyang kandadatura pagka-congressman ng bagong Second District ng Rizal

TERESA, Rizal (D2) — Bagama’t patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng coronavirus (Covid-19) sa bagong Second District ng Rizal, nagbigay babala at hinikaya’t pa rin ni Cong. Omar Fajardo ang mamamayan ng pitong (7) bayan na kinasasakupan ng bagong congressional disrict na mag-ingat pa rin at patuloy na sumunod sa minimum health protocol standards kontra Covid.

“Magandang balita para sa ating mga taga-bagong distrito ng Rizal na patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng Covid ngunit nararapat pa rin na patuloy tayong mag-ingat at sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng mga kamay, at social distancing,” wika ni Fajardo.

Ang dating kongresista ng OFW Party-List ay minimithing niyang maging kauna-unahang representante de Kamara (Congress) ng bagong second district ng Rizal sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Ilan lamang sa kanyang mga pangarap o plataporma para sa bagong distrito ay mabigyan ng hanap-buhay, puhunan ng walang patubo ang mga small scale entrepreneurs, pati na mga trike drivers, atbpa sa lahat ng pitong bayan na bumubuo ng Second District.

Nitong Miyerkules 03 Nov 2021), tatlo (3) lamang sa pitong bayan na kinasasakupan ng Second District ang nagkaroon ng bagong kaso ng Covid partikular na ang Pililla (3), Tanay (2), at Morong (1).

Ang Baras, kasama na ang Cardona, Jala-Jala, at Teresa ay walang kaso ng Covid-19 na napaulat.

Pagdating sa active cases, ang Pililla ang siyang may pinakamaraming kaso (43) kasunod ang Tanay (37), Baras (30), Cardona (21), Teresa (15), Morong (8), at Jala-Jala (3).

Kasama ang sampu (10) pang lugar, ang Rizal ay kasalukuyang nasa Alert Level 3 pa rin mula November 1 hanggang November 14, 2021.

Ang iba pang lugar ay ang mga sumusunod:
Baguio City*
Bataan
National Capital Region
Cavite
Laguna
Iloilo City
Siquijor
Lanao del Norte
Davao City
Davao del Norte

Ngunit dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso, malamang na mas mapaaga sa Nov. 14 ang pagbaba ng quarantine leve o classification ng ibang lugar sa Alert Level 2 gaya ng Metro Manila.

(ai/mtvn)

Leave a Reply