DOLE Sec. Bello nakipagpulong sa mga opisyal ng lalawigan ng Pampanga para sa orientation ng mga TUPAD beneficiaries

DOLE Sec. Bello nakipagpulong sa mga opisyal ng lalawigan ng Pampanga para sa orientation ng mga TUPAD beneficiaries

By: Benjamin Cuaresma at Val Leonardo

MANILA — Nakipagpulong si Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa mga opisyal ng city government ng San Fernando City at ibang opisyal ng lalawigan ng Pampanga para sa orientation ng 1,350 TUPAD beneficiaries nitong Huwebes, 04 November 2021.

Nagpasalamat naman si Pampanga Governor Dennis Pineda sa tinanggap na cheke mula sa DOLE na nagkakahalaga ng P100 milyon para sa payout ng 15 days working contract ng mga TUPAD beneficiaries.

Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers ay isang programa ng DOLE sa gitna ng pandemya.

Ibinida rin ni Gov. Pineda ang mga naitulong ni Sec. Bello sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Duterte kung saan kauna-unahang nagkaroon ng hospital ang mga OFW ng lalawigan ng Pampanga.

Inamin din ni Pineda na isa sya sa pilit na kumukumbinsi kay Sec Bello na ituloy ang kanyang nasimulang pagseserbisyo sa bayan sa pamamagitan ng pagtakbo sa pagka-senador kung saan maging ang may 8,552 na Nanay Community Workers o NCW ng Pampanga ay nagpahayag din ng kanilag suporta.

Ikinatuwa naman ito ng kalihim, ang maalab na pagtanggap sa kanya ng lalawigan bilang “adopted son” ng Pampanga ganun din ang pag-endorso at pagsuporta pero ang pagpunta aniya nila dito ay para sa orientatiom sa mga TUPAD beneficiaries.

Una rito pinasinayaan muna ni Bello ang bagong gawang tatlong palapag na OWWA building na one-stop-shop para sa mga OFW sa kanilang mga pangangailangan.

Ito’y matatagpuan sa Diosdado Macapagal, San Fernando Pampanga. (ai/mtvn)

Leave a Reply