Mga deboto ng Itim na Nazareno dumagsa sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa NCR

Mga deboto ng Itim na Nazareno dumagsa sa unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 2 sa NCR

Dumagsa ang mga nagsisimba at mga deboto ng Itim na Nazareno sa paligid ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa Maynila habang hinihintay nila na makapasok sa simbahan para sa debosyunal First Friday mass nitong Biyernes (November 5, 2021), unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 2 quarantine classification sa Metro Manila o National Capital Region (NCR).

Dahil dito, inaasahan na dagsaan na muli ang mga magsisimba sa Quiapo Church kahit na hindi araw ng panata (Biyernes).

Ang Alert Level 2 ay tatagal hanggang Nobyembre 21 ayon sa Inter-Agency Task Force on Covid-19.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply