‘Wala pang pandemya, nabili na namin ang lahat ng aming sasakyan’– Rose Lin

‘Wala pang pandemya, nabili na namin ang lahat ng aming sasakyan’– Rose Lin

MANILA – Ito ang tahasang tugon na mahinahon at buong paggalang ni Rose Nono Lin, kandidato sa 5th District ng Quezon City, sa katanungan ni Senador Richard Gordon hinggil sa mamahaling sasakyan na pag-aaari ng kanyang pamilya sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Huwebes.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Lin na pawang nabili nila ang lahat ng kanilang sasakyan na binanggit ni Gordon sa pagdinig noong wala pang pandemya na kinagigiliwan ng kanyang kabiyak na si lin Weixiong.

“Ngayon kung andami mo naman na sasakyan, pero kaya mo naman bumili di ba?” tanong ni Gordon.

“Yes, Mr Chairman, iyong mga sasakyan ko, nabili namin before the pandemic pa po,” ayon kay Lin.

‘Before pandemic, ” ayon kay Gordon.

Sinabi naman ni Lin na naibenta ang isang sasakyan ng kanyang asawa sa isang kaibigan na mahilig din sa luxury cars tulad ng kanyang kabiyak.

“Iyang Cadillac ko po, naibenta na po yan, Mr. Chair. Pero, hindi ko po alam kung magkano,” ani Lin.

“Sa katotohanan lamang po Mr. Chair, minsan paggising ko, nagugulat na lamng ako mayroon nang sasakyan sa aming garahe, at magugulat rin po ako na wala na iyong sasakyan,” paliwanag ni Lin.

Ipinaliwanag ni Lin na kaya ganoon ang nangyayari na biglang magkakaroon ng sasakyan at biglang mawawala sa kanilang garahe dahil binibili at ibinebenta din ng kanyang kabiyak ang naturang luxury cars sa mga kaibigan at kakilala nito.

“Ginagawa po nya ito kasi may mga kaibigan siya na nagugustuhan ang mga sasakyan,” giit ni Lin.

“Okey lang sa akin kung ano ang sasakyan basta tumatakbo,” giit pa niya.

“Sino ang bumili nyan para sa iyo,” tanong ni Gordon.

“Asawa ko ang bumili nyan kasi siya ang mahilig sa sasakyan,” ayon kay Lin.

Sinabi pa ni Lin na ginagamit nya ngayon ang Land Cruiser. “Lahat ng aming sasakyan na ginagamit namin ay nabili namin before the pandemic.”

“Believe ako sa iyo, umaamin ka agad, nangungupahan kayo, bumibili kayo ng mamahaling sasakyan, hindi ka ba nagtatanong kung saan galing ang perang ipinambili nya,” tanong ni Gordon.

“Mr. Chairman, lahat po ng pera ng asawa ko ay legal lahat po. Lahat po ay legal at lahat ng anumang kagustuhan nyang ibigay sa akin kasama na doon sa anak hindi lamang ako,” tugon ni Lin.

Sinabi ni Gordon na ipapatawag muli si Lin sa mga susunod na pagdinig upang malinawan ang ilang bagay na ibinabato sa kanya.

“Alright, I will ask other time maraming tayong tatanungin, gusto ko lang malaman kung anong klase kang tao, (isa kang) humble and simple and I hope you continue to love our country at tulungan mo kami na lutasin ang problema sa ating bansa dahil nakakalungkot,” ayon kay Gordon.

Tumatakbo si Lin bilang kongresista ng ika-5 distrito ng Quezon City sa platapormang “makatulong sa kapwa, at hindi gawing negosyo ang pulitika.” (mtvn)

Leave a Reply