5 arestado sa panggagantso gamit ang ngalan ni Senator at presidential aspirant Manny Pacquiao

5 arestado sa panggagantso gamit ang ngalan ni Senator at presidential aspirant Manny Pacquiao

Itinuturo ng mga biktima ng scam ang mga nahuling 5 suspek

Ni BENJAMIN CUARESMA

MANILA — Walang kamalay-malay si Senator at presidential candidate Manny Pacquiao na sinisindikato na pala o ginagamit siya ng limang mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa nilang Pilipino sa gitna ng lugmok na ekonomya at kakulangan ng mga mapapasukang hanap-buhay.

Ito’y napag-alaman nitong Biyernes (05 Nov 2021) matapos matiklo ang tatlong (3) kababaihan at dalawang (2) lalaki sa barangay 170 Deparo Caloocan City matapos manggantso o mang-scam ng mga ito sa mga residente sa nasabing lugar.

Kinilala ni PCP 8 Commander PMaj Jose Hizon ang mga scammers na sina (1) Marry Grace Dolero y Dioson (29), (2) Marieta Nieva y Panlovaze (51), (3) Fhebie Maulac y Bautista (5), (4) Oswaldo Nieva Y Salili (50) at (5) Allan Almante y Macapagal (36).

Lahat ng nabanggit na mga suspek ay pawang mga residente ng Lot 14 Cupan St Amparo Brgy 17 Caloocan City kung saan hindi lubos maisip ng kapitan del barangay kung bakit gamit-gamit ng mga ito ang pangalan ng senador at tanyag na professonal boxer na ngayo’y kandidato sa pagkapangulo.

Ayon naman sa panayam kay Bgy 17 chairman Cris Contreras, nagtaka umano siya dahil ang pagkakaalam nito ay si Senador Manny Pacquiao pa ang namimigay ng pera at hindi ito nagpapakolekta ng pera.

“Dito ako nagduda sa mga suspek dahil ang pagkaka-alam ko si Manny Pacquiao ang siyang namimigay ng pera at hindi siya ang mangangalap ng pera,” sambit ng barangay chairman.

Maliban dito, nagpapakilala rin aniya ang mga suspeck na sila’y inutusan lamang ng isang nagngangalang Remy Dora na maghanap ng mga taong gustong mapabilang sa TUPAD (programang tulong hanap-buhay ng DOLE) na beneficiaries diumano ni Sen Manny Pacquiao.

Ayon pa sa kapitan ng barangay, hinihingian daw sila ng zerox copy ng ID picture nila, lalagda ng time card at magbabayad ang mga ito ng P30 kada isa kapalit ng P7,000 na umano’y ayuda.

Nagtaka agad diumano ang punong barangay kung kaya ipina-hold nito ang mga suspek bunsod na rin ng mga nagrereklamong biktima ng scam.

Humingi din sila ng responde sa mga pulis at dinala ang mga suspek sa pulis station

Inihahanda na ang kasong “swindling with estafa laban sa limang (5) suspek.

Hindi naman agad nakapagbigay ng karampatang komento ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao sa naturang pangyayari habang sinusulat ito kahapon.

(ai/mtvn)

Leave a Reply