Pailaw ng Giant Christmas Tree ng SJ Del Monte sinaksihan nina Sec. Bello, Mayor Arthur Robes, Congw. Florida Robes, iba pang opisyal ng lungsod

Pailaw ng Giant Christmas Tree ng SJ Del Monte sinaksihan nina Sec. Bello, Mayor Arthur Robes, Congw. Florida Robes, iba pang opisyal ng lungsod

Nina Benjamin Cuaresma at Cris Artemis III

MANILA — Matapos mamahagi ng TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) payout ay tumuloy pa si Labor Secretary Bebot Bello kinagabihan ng Biyernes sa pagpapailaw ng San Jose City Del Monte Bulacan Giant Christmas Tree na sumisimbolo ng opisyal na pagsalubong ng kapaskuhan ng lungsod.

Maliban kay Sec. Bello, sinaksihan din ang symbolic lighting ng 39 feet Christmas Tree nina SJDM Mayor Arthur Robes, Congresswoman Florida “Ate Rida” Robes at iba pang mga opisyal ng city government.

Ayon sa alkalde sa kanyang mensahe, ang giant Christmas tree ng SJDM ay sumisimbolo ng buhay upang mapagtagumpayan ang anumang problemang hinaharap gaya ng nararanasang pandemya hindi lamang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo kung saan ang Pilipinas ang may pinakamahabang Pasko.

Sinabi naman ni Congw. Rida na ang Pasko ay non-negotiable dahil aniya ang mga San Joseleño ay halos bakunado na lahat kaya umaasa sila na hindi man magarbo ang pagdiriwang ng Pasko, ito’y mairaraos sa pamamagitan pagmamahalan, pagbibigayan at pagsama-sama ng buong pamilya.

Binigyan din ni Bello ng regalo ang alkade na sakto naman nagdiwang ng kanyang kaarawan sa araw ding yaon, pati na si Vice Mayor Efren Bartolome, at mga konsehales.

Nauna rito ay namigay din ng cash assistance si Sec. Bello sa mahigit sa 500 na TUPAD beneficiaries.

Ayon pa sa kalihim, tiyak na magiging masaya ang pagdiriwang ng Pasko ng mga Joseleño dahil sa maayos na pamamahala ni Mayor Robes at asawang kongresista upang mabigyan ng trabaho at maayos na lungsod ang San Jose Del Monte Bulacan.

(ai/mtvn)

Leave a Reply