Super Typhoon Yolanda disaster ginunita, mga biktima inalayan ng panalangin

Super Typhoon Yolanda disaster ginunita, mga biktima inalayan ng panalangin

Nag-alay ng panalangin kasabay ng pagsindi ng mga kandila ang grupong Power for People Coalition bilang paggunita para sa mga nasawi sa Super Typhoon Yolanda sa Malate church ngayong Lunes 08 (Nov. 2021).

Kumitil ng mahigit sa 6,000 katao ang tinatayang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa ilalim ng modernong panahon.

Ang Typhoon Yolanda na may International Code Name na Haiyan, ay tumama sa Pilipinas noong Nov. 8, 2013 bilang Category 5 storm na may lakas ng hangin na umabot sa 315 kph..

Maliban sa Pilipinas, nahagip din ng Yolanda ang mga bansang Vietnam, Taiwan, Hong Kong, Guam, atbpa.

(Kiara Lauren Ibanez/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply