Alex Lopez pormal nang naghain ng kandidatura pagka-mayor ng Maynila

Alex Lopez pormal nang naghain ng kandidatura pagka-mayor ng Maynila

Pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy para mayor ng Maynila si Atty. Alex Lopez, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez, ngayong Biyernes.

Kasama niya ang aktor na si Raymond Bagatsing na kanyang ka-tandem nang magtungo ito sa tanggapan ng Comelec sa Lion’s Road corner, Arroceros, Ermita Maynila.

Si Atty Lopez ang siyang pumalit kay John Kalvin Punzalan matapos bawiin ng huli ang kanyang COC. Kapwa niya itong kapartido sa Partido Federal ng Pilipinas.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply