Carlos umupo na bilang ika-27 PNP Chief

Carlos umupo na bilang ika-27 PNP Chief

Newly-appointed PNP chief Gen. Dionardo Carlos

Ni Arwen Pascua

MANILA — Umupo na dakong alas-2 kahapon (Biyernes, 12 Nobyembre 2021) si Lt. Gen. Dionardo B. Carlos bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Sa Change of Command Ceremony sa Camp Crame na pinangunahan ni Interior Secretary Eduardo Año ang seremonya.

Pinalitan ni Lt. Gen. Carlos si dating PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, na bumaba sa puwesto isang araw bago ang kanyang pagreretiro sa serbisyo bukas (13 Nov 2021).

Sa kanyang inaugural speech pinasalamatan ni Carlos ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, itutuloy niya ang Intensified Cleanliness Policy na sinimulan ni Eleazar at ang fiscal transparency na ipinatupad ng dating hepe ng PNP.

Ngayon aniya na mababa na ang cime rate, titiyakin niya na hindi na makakabalik sa kanilang dating gawain ang mga masasamang loob.

Sa pamamagitan aniya ito ng pinalakas na kampanya kontra sa kriminalidad at Oplan Double Barel Finale “Version 2021” laban sa droga.

Hinikayat naman ni Carlos ang lahat ng mga pulis na samahan at tulungan siya sa paglilingkod sa bayan, at patunayan sa mga Pilipino na nanatili ang PNP sa paghahatid ng pinakamahusay na serbisyo sa bayan. (ai/mtvn)

Leave a Reply