Habang wala pang legislative agenda, plano ni Eleazar pagtuunan ang ‘peace and order’

Habang wala pang legislative agenda, plano ni Eleazar pagtuunan ang ‘peace and order’

Ni Tracy Cabrera

MAYNILA — Sa opisyal na paghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) para tumakbong senador sa halalan sa Mayo 9 sa susunod na taon, inamin ni retired Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar na sa ngayon ay wala pa siyang maipapakitang legislative agenda—subalit napagtanto rin niyang ang pangunahing layunin niya sa lumahok bilang kandidato ay para pagtuunan ng pansin ang problem sa ‘peace and order’. 

Sa panayam bago siya maghain ng kanyang kandidatura nfayong araw ng Lunes, hinayag ni Eleazar na kailangan pa niyang balangkasin ang magiging plataporma niya, na inaasahan naman niyang tutuon sa lahat ng aspeto ng usapin ng seguridad para sa kapakanan ng mamamayan at sambayanan. 

Tatakbo ang retiradong heneral sa ilalim ng Partido Reporma na pinangungunahan nina senador Panfilo ‘Ping’ Lacson bilang pangulo—na isa ring dating PNP chief—at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III bilang bise presidente

“Unang-una, gaya ng sabi ko nga, it was only a few days ago when I decided, with the blessing of my family, na tumakbo. Kaya wala pa pong kumpletong sinasabi nating mga legislative agenda. But I can say, this will be related to peace and order in relation to social reforms,” diretsuhang paliwanag niya habang nagpakita ng kanyang abilidad na magsagawa ng agarang aksyon sa pamamagitan ng mabilis subalit mapanuring pagdedesisyon.

“Nakikita ko rin sa mga panahong nakaraan, itong paggamit ng ating state-of-the-art information technology para on the side of the people, itong makapagbigay sila kaagad ng kanilang hinaing and on the side of the police for monitoring para madaling maaksyunan itong mga complaints na na nand’yan,” dagdag niya nang magsalita sa isinagawang press conference sa San Fernando, Pampanga ng kampo ni Lacson. 

Hinayag din ng ika-X na hepe ng PNP na sa plano niyang pagtuon ng pansin sa ‘peace and order’, nakita niyang maaaring iugnay sa isa’t isa ang mga ito upang lalo pang mapaganda ang frontline services ng pambansang pulisya para mapalakas ang investigative capabilities nito at gayun din ang pag-streamline o pagpapabuti ng mga proseso sa trabaho ng mga pulis para sa mas magandang serbisyo sa taongbayan.

Sa kanyang pamumuno sa PNP, pinursigi ni Eleazar na mapaigting ang disciplina at propesyonalismo sa hanay ng kapulisan—ang linisin ito sa sinasabing mga ‘bugok na itlog’ at papapalaganap ng katapatan, dedikasyon at integridad sa bawat pulis. 

“Nakita din natin ang hamon na pinagdaraanan ng ating kapulisan with regards to discipline as well as iba pang mga bagay na nakita ko being part of the PNP eh maaaring ma-enhance itong mga ito—ang disiplina ng ating mga kapulisan,” kanyang pinunto sa pagtatapos sa kanyang maikling talumpati. (mtvn)

Leave a Reply