Higit P3-M halaga ng marijuana sinilaban ng PDEA, PNP sa Mt. Province

Higit P3-M halaga ng marijuana sinilaban ng PDEA, PNP sa Mt. Province

MANILA — Sa pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaang Duterte kontra droga, nasakote ang isang plantasyon ng pinagsanib-puwersang Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Saclit, Sadanga, Mt. Province.

Pinangunahan ng PDEA Mt. Province at mga miyembro ng PNP ang pagwasak sa 5,250 na puno ng marijuana na plantasyon sa nasabing lugar.

Bukod sa puno ng plastasyon ng marijuana, nakadiskubre rin mga kawani ng PDEA at PNP ng 22,000 grams ng pinatuyong marijuana at 5,000 grams ng marijuana bricks.

Ang nasabing illegal na droga ay nagkakahalaga ng higit-kumulang sa P3,6 million na mismong ring sinilaban sa nasabing lugar.

(Peter Lacang/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply