Eleazar humabol, nag-file ng COC para senador

Eleazar humabol, nag-file ng COC para senador

Kasama ang kanyang asawa, pormal nang naghain ng kanyang certificate of candidacy ng pagka-senador si retired Phillippine National Police chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa main office ng Commission on Elections sa Plaza del Governador, Intramuros, Manila nitong Lunes (November 15, 2021).

Nag-file siya ng kanyang COC isang araw matapos umanib sa Partido Reporma na pinangungunahan ni presidential aspirant at senator Panfilo “Ping” Lacson, na dati ring PNP chief.

Pinalitan ni Eleazar sa huling araw ng substitution (15 Nov 2021) si Paolo Capino na nag-withdrew ng kanyang COC noong nakalipas na linggo.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply