Eleazar suportado ng mga manggagawa at PUTW

Eleazar suportado ng mga manggagawa at PUTW

Nakangiti ang isang tsuper habang naghihintay ng mga pasaherong patungo ng Cubao. (Larawan mula kay Ruy Martinez)

Eksklusibo ni Tracy Cabrera

IMUS, CAVITE — Nagdeklara ng kanilang suporta ang ilang grupo ng mga manggagawa para sa kandidatura ni retired Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar para sabihing naniniwala silang may ‘plus factor’ ito kung sakaling maging senador dahil maganda ang naging record niya bilang ‘top cop’ ng bansa.

Sinalubong ng mainit na pagtanggap ng  Workers Peasant Party (WPP), Labor Party of the Philippines (LPP) at Partido Lakas ng Manggagawang Pilipino (PLMP) ang pagtakbo ni Eleazar bilang senador sa pananaw na ang retiradong heneral ay makakapagbalangkas ng mga batas na magpapaigting sa mga polisiya ng pamahalaan  ukol sa isyu ng ‘peace and order’ at gayun din sa seguridad ng mahigit 40 milyong manggagawa ng bansa na ng ayo’y nahaharap sa matinding paghihirap sanhi ng pandemya ng coronavirus na nagresulta sa halos pagbagsak ng ekonomiya.

Sa panayam kay PLMP secretary-general Ka Terry Tuazon, hinayag ng labor leader na kahit pa naunang inamin ni Eleazar na wala pa siyang opisyal na legislative agenda para s a kanyang mga adhikain, pinaramdam din naman ng dating hepe ng PNP ang kanyang pagnbanais na isulong ang ‘peace and order’ bilang pangunahin niyang adbokasiya kung sakaling maging isa siyang miyembro ng Mataas na Kapulungan tulad ng kanyang kasamahang opisyal ng pulis at dati ring ‘top cop’ na si incumbent senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Idinagdag ni Tuazon na sa tatlong dating PNP chief sa Senado—na ang isa ay beterano nang mambabatas at standard-bearer ng Partido Reporma—magsisimulang mapaganda ang pagkilos ng paggawa ng mga batas na magiging kapakipakinabang sa mamamayan , particular na sa mga manggagawa.

“Nakita nating kung paano nagpairal ng disiplina si general (Eleazar) sa hanay ng ating kapulisan na to the extent ay talaga niyang pinagagalitan at agad na sinisibak iyong mga pulis na nasasangkot sa iligal o anumang masamang gawain,” pinunto nito.

Maging sa mga pan ayam  din sa ilang mga public utility transport worker (PUTW), kabilang na ang mga dyipny at tricycle driver, sadyang tanggap ng mga ito ang kandidatura ni Eleazarna kanilang inalala na noong siya’y hepe ng PNP, nabawasan ang bilang ng tinatawag na mga ‘rogue policemen’, tulad ng binansagang mga ‘kotong cop’ na bumibiktima sa mga motorista; kaya nga natitiyak na iboboto nila ang dating ‘top cop’ sa nalalapit na halalan sa Mayo 9 sa susunod na taon.

“Okay sa amin iyang si general (Eleazar) kasi mula noong naupo siyang hepe ng PNP, nabawasan kahit papaano iyong mga gagong pulis at kahit iyong mga sinasabing EJK (extrajudicial killings) ay medyo humupa ang mga balita,” wika ng dyipny driver na si Mang Kanor, na pumapasada sa rota ng Sangandaan-Divisoria. (mtvn)

Leave a Reply