Pacific Fleet ng Russia dumaong sa Maynila

Pacific Fleet ng Russia dumaong sa Maynila

NAVAL STATION JOSE ANDRADA, Manila – Dumating sa Maynila nitong Martes (16 Nobyembre 2021) ang limang sasakyang pandagat mula sa Russian Pacific Fleet para sa isang port call sa Pilipinas.

Ang Russian Navy contingent ay binubuo ng Corvette Gremyashchiy, dalawang submarine, tanker Pechenga, at support vessel na Alatau.

Ang pagbisita sa bansa ay inilaan para sa regular na port replenishment at pahinga para sa mga tripulante.

Ang pagdating ng Russian contingent sa bansa at ang akomodasyon at suporta na ibinibigay sa kanila ay binibigyang-diin ang pagtataguyod ng kapayapaan, katatagan, at maritime na kooperasyon sa rehiyon.

(Jhun Mabanag/BENJAMIN CUARESMA/ai/mtvn)

Leave a Reply