Manny Pacquiao sinalubong ng mainit na pagtanggap ng mga  Bulakeño sa pangunguna ni Gov Daniel Fernando

Manny Pacquiao sinalubong ng mainit na pagtanggap ng mga  Bulakeño sa pangunguna ni Gov Daniel Fernando

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Dahil sa init ng pagsalubong ng mga Bulakeno sa Pambansang Kamao na si Senador Manny “Pacman” Pacquiao na ngayo’y tumatakbo sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan, ay masaya rin itong tinanggap ng Gobernador na si Daniel Fernando sa Kapitolyo ng Malolos Bulacan.

Sa isang maikling Press Conference ay pinaunlakan nito ang ilang mamahayag upang magtanong at dito rin inihayag ng mambabatas na ang bansa ay makakaahon sa pagkakalugmok na dulot ng pandemya kung siya ay palarin na maluklok sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Sa kanyang pagbisita sa isang Christian Church sa Guiguinto, Bulacan, bagama’t wala siyang binabanggit na pangalan ay sinisisi nito ang talamak na korapsiyon sa ating bansa at bilang babala na rin, ay ipapakulong nito ang sino mang mapatunayan na nagkakasala at hahabulin nito ang mga ari-arian pahayag pa ng senador. (ai/mtvn)

Leave a Reply