Mas mahalaga ang tunay na serbisyo kaysa pagtanggap ng parangal — Eleazar

Mas mahalaga ang tunay na serbisyo kaysa pagtanggap ng parangal — Eleazar

Ni Tracy Cabrera

INTRAMUROS, MANILA — Sa pagbibigay pasalamat sa ibinigay sa kanyang parangal sa kanyang mahusay na pamumuno at pagreporma sa 222,000-strong na Philippine National Police (PNP) at gayun na rin sa pagtiyak ng ‘peace and order’ sa buong bansa noong siya pa ang hepe ng PNP, isinantabi muna ni retired PNP chief at Partido Reporma senatorial bet Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar ang mga pagkilalang tinatanggap niya bilang mga palamuti lamang dahil mas kailangan umano ngayon ng ating bansa ang tunay paglilingkod para sa bayan.

Sa panayam, ipinaliwanag ng retiradong police general na ang mas mahalaga sa kanyang pagtakbo bilang senador ay ang ibabalangkas niyang legislative agenda na magiging kapakipakinabang sa sambayanang Pilipino, lalo na ngayong nahaharap sa matinding krisis ang buong bansa at ang mamamayan maging ang gobyerno ay kailangang talakayin ang sanlaksang problema mula sa ekonomiya hanggang sa kalusugan at mula sa kriminalidad hanggang sa peace and order at seguridad.

Napabilang si Eleazar sa mga tumanggap ngayong taon ng Presidential Lingkod Bayan (PLB) award, na ipinagkakaloob sa mga outstanding government worker ng Civil Service Commission (CSC) para sa kanilang mga exceptional o extraordinary contribution na nagresulta mula sa isang ideya o gawaing nagkaroon ng nationwide impact sa public interest, seguridad at patrimoniya.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagkilalang ito para sa aking paglilingkod sa bayan noong ako’y hepe pa ng Pambansang Pulisya. Ang pagkilalang ito ay alay ko sa Poong Maykapal, sa aking pamilya, at sa bawat Pilipino na nararapat lamang makatanggap ng tapat at maayos na serbisyo mula sa kapulisan,” kanyang pinunto.

“Magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ito upang ipagpatuloy ko ang tapat na paglilingkod sa bayan lalo na ngayong isang panibagong hamon ang ating haharapin sa larangan ng pulitika. Sa kabila nito, hindi magbabago ang ating hangarin na maglingkod at tumulong sa ating mga kababayan,” dagdag nito.

Umabot ang ika-26 na PNP chief, na nagsilbi sa pambansang pulisya ng mahigit tatlong dekada, sa mandatory retirement age na 56-anyos nitong nakaraang Nobyembre 13 aat humalili sa kanya ang hepe ng directorial staff ng PNP na si Lieutenant General Dionardo Bernardo Carlos, na nagtapos din mula sa Maringal Class of 1988 ng Philippine Military Academy (PMA).

Sa paggunita sa kanyang mga polisiya at programa noong siya pa ang ‘top cop’ ng bansa, naging pangunah ing adhikain ni Eleazar sa kanyang pamumuno ang Intensified Cleanliness Policy (ICP), na sa hanggang ngayon ay hindi lang nakatuon sa pagkakaroon ng disiplina, propesyonalismo at kalinisan sa lahat ng frontline office ng pambansa pulisya kundi sa mabilis, maasahan at tapat na serbisyo para sa mamamayan.

Napatunayang mat agumpay ang pagpapatupad ni Eleazar ng ICP dahil hindi lang din naabot subalit nadaig pa ang layunin nitong mapabalik ang tiwala at respeto ng publiko makaraang makapagtala ang PNP ng nak amamang hang pag-usad sa trust at approval rating nito sa hanay ng mga ah ensya ng pamahalaan sa loob lamang ng anim na buwan—mula sa ika-22 ranking sa trust rating sa ika-7 at mula ika-25 ranking sa approval rating sa ika-8. (mtvn)

(Larawan mula sa General Eleazar’s Media Friends)

Leave a Reply